Ano ba yan kahit tumblr mag isa lang ako :) isa lang ang follower ko. pero oks yun! walang ibang makakabasa.
kuya mark kung nababasa mo man ‘to.. wag ka maingay :)
Grad na bukas! Mixed emotions. Masaya kasi walang ng pasok bakasyon na, pero malungkot din kasi siguro napakaliit na lang ng possibility na makasama mo yung mga taong nakasanayan mo na, na nasa palagid mo.
For me, yung 3rd year highschool ang most memorable. Di ko nga inexpect na di pala 4th year ang most memorable sakin. Pero di ibig sabihin nun ayoko ng year na ‘to. Siguro may times lang na nakakalungkot dahil sa mga tao na MINSAN (minsan lang) pinapafeel nila sayo na wala kang halaga sa kanila. Ever since 1st year ako, winish ko na sana walang group group sa klase, sana united & walang plastikan o gamitan. Pero normal lang yun, ganun talaga. Di mo maiiwasan na may mga ganong uri ng tao. :))
Ngayong year kasi (4th year) masaya nung unang months pa pero nung una lang yung totally masaya. Kalagitnaan na ng school year medyo feel ko na, na “lapitan na lang kita pag kailangan kita”. Ganun yung feeling eh. Nakakadismaya lang. Gusto ko sana sila i-mention sa blog na ‘to pero web ‘to eh(kung ano man). Pwedeng may makakita at ipagkalat >:) Nakakalungkot talaga. Naisip ko nga ngayon lang mga 30 seconds ago na ang galing pala! Nakatiis ako ng ganun. Siguro dahil na rin sa mga “kagroup ko” sa mas madaling salita mga tunay kong kaibigan. Lol?
Sa classroom, masaya pag may activities. Nakakatuwa pag may mga kainan. Masaya rin naman talaga. Pag kasama si Ms. napakasaya talaga. Puro katatawanan. Pero minsan nakakatakot din yun eh. :) Mahilig magpicturan! Sobra. Buti nga di nahuhuli eh.
Sa picturan kahit gusto ko sumama, ayoko. Nahihiya rin pero ang pinakadahilan talaga feeling ko iisipin nila “O bat nandito ka?” Parang ganun?! “Feeling close ka naman” Ganun yung tingin ko sa kanila (not to all). Mas lalo kong naisip & nasabi sa sarili ko na “Ah grupo grupo na nga talaga ang Timpi” :( nung sinabi ng isa kong classmate “Sino kulang sa grupo niyo?” %$#@ hanggang sa huli ba? Wala na ba talagang pag asang mag unite tong section na ‘to. Naaalala ko pa rin first day of school, inisip ko nung araw na yun na 4th year ang magiging pinakamasayang year. Pero walang motibo para mangyari yun sakin.
Ngayon, masaya pa rin kasi nanjan mga kaibigan ko sa ibang section pati na rin sa Timpi. Nakakainggit nga Kalinga eh parang ang saya saya nila. United (tulad ng pinapangarap ko) pati sa kuya ko naiinggit ako sa kanila dahil sa mga kwento niya about sa section nila nung 4th year sila (hello kuya mark :D )
Gusto ko sana ilabas yung feeling na ‘to na nakakalungkot tsaka nakakainis na rin. Sa blog ko lang sya kayang ilabas eh. Di ko naman to masasabi sa mga taong yun. Di naman siguro sila interesado sa “grupo” namin =_=” Mas nakakalungkot pa yung sobrang close mo dati na tao (as in palagi mo kasama, ni lunch, ni recess) eh lumalayo na sayo ngayon dahil sa di mo malamang dahilan. Tapos sa lahat ng nagbigay ng picture sakin (yung annual pic) eh sya lang yung walang dedication. Medyo inasahan ko pa naman yun :( Naisip ko tuloy sinisiraan nila ko sa kanya. Pero di naman siguro. Ano bang pakialam nila sakin. Ni konting “show of appreciation” parang wala akong naramdaman mula sa mga taong yun (hindi buong klase) Lapitan nila ako o kami kapag meron silang kailangan. Tinry ko rin makisama sa kanila. Pero di eh. Feel ko talaga alien ako sa section na ‘to D: Pero ang maganda, yung iba nilang kaibigan kinakausap naman kaming mga alien. Di naman mukang namamamlastik. Mabait naman sila sakin.
Meron pa kong isang problema eh. Meron akong isang kaibigan na parang lumalayo sya samin. Lalong feel ko ang pagka alien namin DDDD: HAAAAAAAAAAYYY. Nakakausap ko pa rin sya pero di na sya tulad nung dati na tatabi samin. Ewan ko ba! Nakahanap sya ng bagong kakulitan XD Pero seryoso. Nakakabadtrip yun :|
Kahit naman ganun ang section na to, minahal ko pa din sila. Tinry ko din naman makipagkaibigan, tumulong at gampanan ang gawain sa loob ng silid na iyon. :) Kung mabasa man nila to (mukang imposible) alam ko naman magiging reaction nila, sa 10 buwan ba naman na kasama ko sila. Pero di ko rin masasabi siguro XD kasi di ko naman sila nakakausap. Sana nagkaroon kami ng open forum. Kaso panigurado magkakasamaan ng loob. Ayos na yun. Mahaba pa naman siguro ang buhay ko para sumaya pa at kalimutan yung mga nakakadismayang bagay na yun :(( :)
Meron din posibilidad na mali lahat ng mga naisip ko na ‘to tungkol sa kanila dahil siguro masyado akong emosyonal. Masyado kong naseryoso yung mga kilos nila. Pero minsan kasi talaga binibigyan nila kami ng motibo para patunayan na sila yung mga uri ng tao na namimili ng kaibigan.
Sa blog ko lang talaga kaya ‘to. Mahina loob ko eh. Iiyak lang ako pag sinabi ko tong mga bagay na ‘to sa harap nila.
Late na! Grad pa bukas. Pag sa ibang araw ko pa ‘to ginawa wala na kong malalagay.
PS. Feeling ko feel ni Ms. na malayo ang loob ng “group” namin sa “group” nila. :))))


